Home » Post Item » Isang malaking kalokohan
Isang malaking kalokohan
April 20, 2007Tila isang malaking kalokohan ang ipilit ang sarili sa ibang tao. Oo, gusto ko siya, ngunit kung hindi niya ako gusto, ganoon na lamang ang katapusan ng aking pag-ibig. Sa ingles nga, "No means no", o sa tagalog, "Ang ibig sabihin ng hindi ay hindi". Ayokong lokohin ang sarili ko sa pag-asang binibigay ng kapalaran. Mahirap din kasi masira lahat.
Napaka walang kwenta ko no? Hindi man lang natumbasan ng aking nararamdaman ang aking mga kilos. Malamang marahil sa hindi pagiging matapat ko sa aking sarili. Mahal ko ba siya talaga? Hindi ko yan masasagot. Nag-aaway sa isyung iyan ang aking utak at ang aking puso. Sabi ni utak, huwag, hindi pa sapat ang karanasan, wala pa masyadong oras, hindi ka naman niya gusto. Sabi ni puso, ituloy ko lang, "no regrets", sabi nga sa kanta ng Rivermaya: "Patay na kung patay! Magkaalaman lang.". Mas panig ako kay utak. Dahil kay utak, hindi ako masyado nasasaktan eh.
Ngunit mali siguro ito. Kung ako'y iibig, gusto ko sa buo kong puso AT utak. Gusto ko magkatugma sila ng opinyon. Para walang pagdadalawang isip. Gusto ko pag ako'y imibig, siya na talaga.
Ang hirap ng aking mga gusto, diba? Kaya nga ang masasabi ko lang, isang malaking kalokohan ito lahat. Pag-ibig? Panliligaw? Hindi ko ito kailangan. Bigyan mo nalang ako ng pera, baka mahalikan ka pa.
#
Previous Comments
hahaha! ganun din ako! the brain contradicts what the heart says… Mas mabuti nalang iyon kasi hindi ka masyadong masasaktan…
Posted by janus3185 at April 24, 2007, 12:39 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









love sucks so much.
Posted by liz at April 20, 2007, 3:29 pm