Home » Archives » October 2005
Parang Kantang Walang Lyrics
October 12, 2005Nakarinig na ba kayo ng kantang walang lyrics? Malamang, oo. Uso yan ngayon, pero iba ang tawag don, karaoke.
Pero kung sisisirin mabuti ang isang kantang walang lyrics, parang ang pangit diba? Kung yun lang ang naririnig mo. Parang .midi file na gustong gusto natin dati dahil yun ang uso (at dahil yun lang ang kaya ng ating dial-up connection na i-download). Monotone, kung baga. Ringtone ang kinalalabasan. Hindi man lang polytone eh no.
Oo, kung sabagay, marami ngang mga kantang magaganda na hindi naman nilalapatan ng lyrics, ngunit iba parin ang may katha sa isang musika. Iba pa rin ang emosyon, iba pa rin ang kulay, na lalo pang nagpapaganda sa kanta.
Isipin nalang natin ang buhay ay parang isang kanta. Ngayon, nararamdaman ko na ang kalungkutan ng aking pag-iisa. Parang isa itong kantang walang lyrics, may kulang, at malamig. Kung tutuusin, natagpuan ko na ang magsusulat ng lyrics para sa aking kanta, ngunit wala siya ngayon, malayo ako sa kanya.
Mahirap ang ipatapon sa isang lugar na hindi nababagay sa kinasanayan mo. Mas lalo na kung katulad mo ako, ang taong may kantang walang lyrics.








