Isang malaking kalokohan

April 20, 2007

Tila isang malaking kalokohan ang ipilit ang sarili sa ibang tao. Oo, gusto ko siya, ngunit kung hindi niya ako gusto, ganoon na lamang ang katapusan ng aking pag-ibig. Sa ingles nga, "No means no", o sa tagalog, "Ang ibig sabihin ng hindi ay hindi". Ayokong lokohin ang sarili ko sa pag-asang binibigay ng kapalaran. Mahirap din kasi masira lahat.

 Napaka walang kwenta ko no? Hindi man lang natumbasan ng aking nararamdaman ang aking mga kilos. Malamang marahil sa hindi pagiging matapat ko sa aking sarili. Mahal ko ba siya talaga? Hindi ko yan masasagot. Nag-aaway sa isyung iyan ang aking utak at ang aking puso. Sabi ni utak, huwag, hindi pa sapat ang karanasan, wala pa masyadong oras, hindi ka naman niya gusto. Sabi ni puso, ituloy ko lang, "no regrets", sabi nga sa kanta ng Rivermaya: "Patay na kung patay! Magkaalaman lang.". Mas panig ako kay utak. Dahil kay utak, hindi ako masyado nasasaktan eh.

 Ngunit mali siguro ito. Kung ako'y iibig, gusto ko sa buo kong puso AT utak. Gusto ko magkatugma sila ng opinyon. Para walang pagdadalawang isip. Gusto ko pag ako'y imibig, siya na talaga. 

Ang hirap ng aking mga gusto, diba? Kaya nga ang masasabi ko lang, isang malaking kalokohan ito lahat.  Pag-ibig? Panliligaw? Hindi ko ito kailangan. Bigyan mo nalang ako ng pera, baka mahalikan ka pa. 

 

Posted by alaala at 10:23 am | permalink | comments[2]

Sakuranbo

April 11, 2007

 

 

=). Enjoy 

Posted by alaala at 1:32 pm | permalink | Add comment

Parang Kantang Walang Lyrics

October 12, 2005

Nakarinig na ba kayo ng kantang walang lyrics? Malamang, oo. Uso yan ngayon, pero iba ang tawag don, karaoke.

Pero kung sisisirin mabuti ang isang kantang walang lyrics, parang ang pangit diba? Kung yun lang ang naririnig mo. Parang .midi file na gustong gusto natin dati dahil yun ang uso (at dahil yun lang ang kaya ng ating dial-up connection na i-download). Monotone, kung baga. Ringtone ang kinalalabasan. Hindi man lang polytone eh no.

Oo, kung sabagay, marami ngang mga kantang magaganda na hindi naman nilalapatan ng lyrics, ngunit iba parin ang may katha sa isang musika. Iba pa rin ang emosyon, iba pa rin ang kulay, na lalo pang nagpapaganda sa kanta.

Isipin nalang natin ang buhay ay parang isang kanta. Ngayon, nararamdaman ko na ang kalungkutan ng aking pag-iisa. Parang isa itong kantang walang lyrics, may kulang, at malamig. Kung tutuusin, natagpuan ko na ang magsusulat ng lyrics para sa aking kanta, ngunit wala siya ngayon, malayo ako sa kanya.

Mahirap ang ipatapon sa isang lugar na hindi nababagay sa kinasanayan mo. Mas lalo na kung katulad mo ako, ang taong may kantang walang lyrics.

Posted by alaala at 3:49 pm | permalink | comments[3]
Dahil nakalimutan ko na ang lahat.

     

September 2010
M T W T F S S
« Apr    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

Tag Cloud

The Forgetful

Alaala can't remember anything about his past. 

 

Help him seek his future.

 

  

    

Subscribe

Technorati
Bloglines

Magiwan ng Alaala

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

janus3185:

hopping through! welcome to to i.ph :D

Hibang:

Tuldok. :D

Flamegod:

Tag tag tag tag

Flamegod:

Ang hirap naman mag Tag

Tuldok:

Sino si Flamegod?

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼